Isang Hospital bukas Bente Kuatro Oras!

Once upon a time, pumunta kami sa isang hospital sa isang sulok na bahagi ng Norala, South Cotabato. Nagabihan kami that time kasi nga gabi na namin nalaman na na-admit pala si Lola. Nasiraan pa kami ng sasakyan kaya medyo natagalan ang dating namin punta dun. And there it goes,pagdating namin doon ay hindi na daw kami pwede pumasok kasi curfew na.
Nagmakaawa kami syempre kahit sandali lang makita namin si Lola. Pero hindi talaga pumayag ang guard on duty that time. Pero itong si nanay nagmakaawa na naman kahit sandali lang kasi nga malayo pa pinanggalingan namin. Kaya si guard pumayag, sabi okey lang daw basta isa-isa lang kaming papasok. Kaya sinunod namin yung sabi nya. While waiting for Nanay to come out, kasi nga susunod ako after nya, tinanong ko si guard kung ano ang concept behind that curfew hours. Sabi nya naman, kasi sir, makakadistorbo na ng mga pasyente. Napaisip ako, sabi ko oo nga naman, may point din naman sya. Sumusunod lang daw kasi siya sa patakaran ng hospital. Syempre wala akong magagawa dun. Just go with the flow.
Natapos din yung isa isang pagpasok namin doon. Una, bawal pumasok kasi curfew na. Pangalawa, pwede namang pumasok, pero isa isa lang. Ahh ganun pala yun. At least ngayon alam ko na. Hanggang sa susunod na pagbisita! -plbenj

Comments

Popular posts from this blog

Ilonggo Translations (from Tagalog to Ilonggo to English)

Wally Bayola and EB Babe Yosh Scandal Exposed?

Sex Scandal nina Chito Miranda at Neri Naig, kumakalat na sa Internet