Ang munting buhay ni Selina
May mga taong naging parte na ng buhay mo, o ng buhay natin. Maaaring sila yung mga taong nagpaiyak sayo, nagbigay sayo ng saya, o naging dahilan kung bakit ka naging malungkot.
Nais kong makilala ninyo si Elena/Selina Tuan or Ebat for short. Si Ebat ang nagsilbing katulong ng aking ina simula pa noong bata pa ako, at maging ng mga kapatid ko ay nasaksihan niya ang paglaki nito.
Subalit hindi katulong ang turing namin sa kanya kundi isang bahagi na ng aming pamilya. Minsan ay tinuturuan niya kami kung paano maging malinis sa panganagtawan, at siya din minsan ang taga kwento sa bahay.
Nakakatawa si Ebat dahil paulit-ulit na ang kanyang mga kwento. Ang paborito niya ay yang ikwento ang naging buhay niya noong sa Tboli pa siya at kasama niya yung umanoy boyfriend niya. Isa siyang masayahing tao at simple lang ang hangarin niya, ang maging masaya. Ni hndi niya nga alam kung kailan siya ipinanganak at kung ano na ang edad niya
Si Ebat ay isa ring relihiyosong tao. Minsan ay nagkukwento din siya tungkol sa Diyos. Ikinuwento niya sa akin na noong bata pa daw siya ay namatay siya at muntik na sanang ilibing ng kanyang pamilya subalit nabuhay ulit siya. Kwento niya ay nakita niya daw ang Panginoon sa kanyang panaginip.
Nagdaan ang ilang taon, at nagkaroon ng siya ng sakit. Sabi ng doktor ay sakit daw ito sa puso. Hindi ito nagamot dahil wala siyang makukunan ng pambayad sa ospital, maging kami ay wala din ng panahong iyon. Ang kanyang pamilya ay mahirap din, isang kayod isang tuka sila. Kaya't hindi niya nakayanan at bumigay ang katawan niya.
Inilibing si Ebat pero wala ako. Yung nalaman ko na wala na siya ay umiyak ako. Ni wala man lng akong nagawa. Simple lang yung hiling niya nung panahong nabubuhay pa siya, yun ang magkaroon siya ng cellphone na 3310 na noon ay hindi abot ng P500.00.
Nawala man siya sa mundong ito, pero ang kanyang alaala at ang kanyang pangaral sa amin ay nananatili sa aming puso.

Comments
Post a Comment